Posted
January 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y bilang paghahanda sa Asia Pacific Economic Cooperation
(APEC) Summit sa isla ng Boracay ngayong taong 2015.
Ito ang napag-usapan ng pamunuan ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) upang ihanda ang mga kapulisan sa nasabing summit.
Nabatid na maiiwan ang mga lalaking pulis na may taas na
5’6 at ang mga hindi umabot dito ay ililipat sa ibang lugar, habang ang sa
babae naman ay maiiwan ang may taas na 5’4.
Napag-alaman na nais ng BTAC na maging handa para sa seguridad
ng gaganaping APEC Summit na dadaluhan ng mahigit dalawang libong deligado mula
sa ibat-ibang bansa.
Para naman sa mga pulis ng BTAC nakahanda sila sa ano
mang magiging disisyon ng kanilang pamunuan na para din umano sa kanilang
kapakanan.
No comments:
Post a Comment