Posted January 30, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sugatan sa dibdib at ulo nang isugod sa ospital ang
22 anyos na lalaki matapos na saksakin kaninang madaling araw ng tatlong mga
hindi nakilalang suspek.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang
biktima na si Ralph Geraud Pelebello ng Sitio Tubhan Manoc-Manoc Boracay.
Base sa salaysay ng biktima, alas kwatro kaninang
madaling araw nang may makita umano itong tatlong hindi nakilalang kalalakihan
sa corridor ng kanilang residensya.
Kinompronta niya umano ito, kung saan nagkaroon ng
mainit na argumento sa pagitan nila na nag-ugat sa nasabing pananaksak.
Hindi naman matukoy pa sa ngayon ang ginamit na
panaksak sa biktima, kung saan nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis.
No comments:
Post a Comment