YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 27, 2015

Pagproseso ng renewal ng business permit, smooth at hindi pahirapan

Posted January 27, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Smooth at hindi pahirapan ang pagproseso ng renewal ng business permit.

Sa kabila nito, nagpaalala ngayon si Balabag Administrator Jinky Salazar-Alicante sa lahat ng mga aplikante na maghintay para maasikaso ng mabuti.

Kinumpirma din kasi nito na may ilang establisemyeto parin ang mistula apurado at gusto makuha agad ang kanilang mga dukumento sa kabila ng dami ng mga empleyado sa isla na magkakasabay sa pagproseso.

Kaugnay nito, tiniyak ni Alicante na maaaring matapos ang pagroseso ng mga kinakailangang dukumento sa loob ng tatlong araw para sa mga resort, sa susunod na araw para sa mga business permit, habang makukuha naman agad ang sa transport.

Samantala, kinumpirma din ni Malay PESO officer Dennis Briones na smooth din ang kanilang operasyon sa mainland Malay.

Nabatid na ang Barangay Balabag ang may pinakamaraming nagre-renew ng kanilang permit sa buong isla ng Boracay at Malay dahil na rin sa mga establisyemento at resort dito.

No comments:

Post a Comment