Posted January 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang masisilayan ngayong araw sa
karagatan ng isla ng Boracay ang cruiseship na MS Europa 2.
Sakay nito ang mahigit kumulang 400 na mga turista
mula sa ibat-ibang bansa kasama na 370 na crew.
Inaasahang dadaong ito sa karagatan ng Boracay
ngayong alas-8 ng umaga mula sa isla ng Palawan at magtatagal naman hanggang
mamayang alas-2 ng hapon.
Dahil sa may kalayuan ang naturang barko sa mismong
docking area ng Cagban, isasakay naman ang mga turista ng naturang barko sa
tender boat papuntang Jetty port para sa kanilang tour sa Boracay.
Sasalubungin naman ang mga ito ng Caticlan Jetty
Port Administration, Department of Tourism (DOT), Local Government Unit ng
Malay at Aklan Provincial Government.
Nabatid na sa kanilang pag-tour sa Boracay ay
pupuntahan ng mga ito ang beach area, D-mall at ilang souvenirs at restaurant
sa isla.
Samantala, katuwang naman ng Boracay PNP Station sa
pagpapaigting ng seguridad para dito ay ang Philippine Coastguard, Maritime
Police, Philippine Army at Municipal Auxiliary Police (MAP).
No comments:
Post a Comment