Posted January 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nilimas ng pinaniniwalaang magnanakaw ang mga mamahaling
gamit ng isang Finnish National sa loob ng apartment sa Boracay kaninang
madaling araw.
Sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang biktimang
si Jokinen Jari Pekka Juhani, 52-anyos at pansamatalang nanunuluyan sa isang
apartment sa Station 3, Brgy. Manoc-Manoc.
Nabatid na nadatnan na lamang ng biktima ang kanyang
kwarto na wala na ang mga gamit nitong rice cooker, shaver, Cellphone, Loptop
at cash na nagkakahalaga ng P3,000.
Hinanap pa niya umano ito ngunit bigo siyang makita ang
mga nawawalang gamit kung saan palaisipan din sa biktima kung paano nakapasok
ang sinasabing magnanakaw.
Samantala, agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang
Boracay PNP ngunit bigo silang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa
insidente.
No comments:
Post a Comment