Posted January 31, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Photo Credit by Aklan SP |
Nalalapit na ang ika-dalawang State of the Province
Address (SOPA) ni Aklan Governor Florencio Miraflores.
Ayon sa ipinadalang ulat ng kalihim ng Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan, ito’y gaganapin sa ika-4 ng Pebrero kasabay ng ika-5th SP Regular Session.
Nabatid mula sa kalihim ng SP na si Odon Bandiola, na sa ngayon ay naghahanda na ang Presiding Officer ng mga Board Members sa Aklan
na si Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo para sa mga i-imbetahan na
posibleng dadalong mga bisita sa gagawing SOPA ni Miraflores.
Aasahan umano na iimbitahan din ang lahat ng mga
Alkalde sa iba’t-ibat bayan sa probinsya, mga namumuno sa mga departamento at
ahensya sa Aklan, ganon din si Congressman Teodorico Haresco Jr.
Ang gagawing SOPA ng gobernador ay inaasahang
magtatalakay sa mga nagawa nito sa taong 2014 at mga plano at programa para sa
taong 2015.
Inaasahan din umano na babanggitin ng gobernador sa
kanyang talumpati ang P1.2 billion 2015 annual budgets ng Aklan, kung saan
pangunahin umanong ikokober nito ang operasyon sa pamahalaang probinsyal sa
ilalim ng General Fund t Economic Enterprise Development Department.
Tatalakayin din ng gobernador ang umano’y
pangunguna ng Aklan sa local revenue generation sa lahat ng mga probinsya sa
bansa batay sa istatistika ng Department of Finance.
No comments:
Post a Comment