YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 26, 2015

Babaeng Korean national, sugatan matapos ma-hit and run sa Boracay

Posted January 26, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sugat sa kamay at pasa sa ilang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang babaeng Korean national matapos na ma- hit and run kahapon ng umaga sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng BTAC, binabaybay ng koreanang si No Mi Ok, 54 anyos ang Balabag Boracay papuntang lake town nang di umano’y may nag-overtake sa kanyang pulang motorsiklo at sinagi ang kanang kariton ng e-bike nito.

Dahilan upang mawalan ng balanse ang turista at matumba sa sementong kalsada na nagresulta ng mga sugat sa kanyang katawan.

Nasira din ang kaliwang salamin ng sinasakyan nitong E-bike.

Samantala, kaagad namang tumakas ang hindi nakilalang suspek papuntang bloomfield school matapos ang insidente.

Natulungan naman ang turista ng isang grill man doon na nakasaksi sa pangyayari.

Kaugnay nito, nagpapatuloy sa pagsasagawa ng follow – up investigation ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at masampahan ng kaukulang kaso.

No comments:

Post a Comment