YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 26, 2015

G7 Early Registration sa Boracay National High School Manoc-manoc Extension, umabot lang sa 54

Posted January 26, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Umabot lang sa 54 ang mga mag-aaral na nakapagpalista sa G7 Early Registration sa Boracay National High School (BNHS) Manoc-manoc Extension.

Ito ang kinumpirma ni BNHS Manoc-manoc Extension School Head Victor Supetran kaugnay sa pagsisimula ng DepEd G7 Early Registration nitong Sabado.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Supetran sa mga magulang partikular sa Barangay Manoc-manoc na samahan ang kanilang mga anak sa pagpaparehistro upang maiwasan ang siksikan sa buwan ng Hunyo.

Samantala, bagama’t kukunti pa lamang ang mga nakapagparehistro sa BNHS Manoc-manoc Extension, nabatid na nakapagtala naman ng 209 mag-aaral ang BNHS Main, habang 40 ang sa Lamberto H. Tirol National High School sa Barangay Yapak.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang kampanya ng mga paaralan sa isla para sa mga out of shool youth na muling makapag-aral.

Magtatapos ang G7 Registration sa February 27, 2015.

No comments:

Post a Comment