Posted January 28, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang
panukalang 2015 General Revision of Base Market Values sa Aklan.
Sa siyam na pahinang desisyon ng kataas –taasang
hukom sa petisyon ng dalawang opisyal sa Aklan.
Ideneklarang "null and void for being contrary to law," ang nasabing panukala.
Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, hindi
sumunod sa tamang proseso ng pagsusumite ng kaukulang dokumento ang pagtaas ng
buwis sa probinsya alinsunod ng Local Government Code.
Kaugnay nito, nabatid na sina SP Member Rodson
Mayor at New Washington Mayor Edgar Peralta naman ang naghain ng petisyon na
humihiling sa Justice department na ideklarang illegal ang bagong bayarin sa
buwis.
Samantala, nilinaw din ni De Lima na hindi sila
nakatanggap ng komento magmula sa provincial government kaugnay ng nasabing
petisyon.
Nabatid naman na sinabi ni Provincial Assessor’s
Office head Kokoy Soguilon na magkakaroon ang pamahalaang probinsyal ng apela tungkol sa nasabing
desisyon.
Magugunita naman na base sa binagong mga iskedyul
na napapaloob sa General Revision ng ordinansa, isinaayos ng SP ang assessment
level sa 14% mas mababa kaysa 15% na orihinal na iminungkahi ng Provincial
Assessor para sa lahat ng residential real properties.
Samantala, ang assessment level naman para sa
industrial at commercial properties ay 33% mas mababa sa 50% na unang
iminungkahi.
Sa agricultural properties naman, ibinaba ito sa
34% mula sa 40% na orihinal na ipinanukala ng Provincial Assessor Office.
No comments:
Post a Comment