Posted January 26, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sasabak ang nasa limang mag-aaral mula sa Boracay
National High School (BNHS) Manoc-Manoc Extension sa darating na Western
Visayas regional meet.
Ayon kay BNHS Manoc-Manoc Extension School Head
Victor Supetran, isa rito ang player para sa secondary baseball, isa
rin sa secondary basketball boys at tatlong players para sa secondary softball.
Anya, sa ngayon ay puspusan na ang ginagawang
preparasyon ng mga estudyanteng atleta kasama ang iba pang mga players sa Aklan
na magiging pambato ng probinsya sa 2015 Western Visayas Regional Athletic
Association (WVRAA) Meet.
Samantala, tema ng WVRAA 2015 ang “Sports: Paving
the way towards peaceful and delightful schools,” kung saan gaganapin ngayong
taon sa probinsya ng Aklan sa darating na ika- 8 hanggang ika-13 ng Pebrero.
Kaugnay nito, nabatid na handa na ang pamahalaang
probinsyal sa pagdating ng nasa tatlong libong mga atleta sa elementary and
secondary divisions mula sa anim na provincial delegations.
Ang mga mananalo naman sa nasabing kompetisyon ay
ang magiging pambato ng rehiyon sa palarong pambansa na gaganapin sa Tagum
City, Davao del Norte, Mindanao.
No comments:
Post a Comment