Posted
January 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matagumpay na naidaos ng Local Government Unit ng Ibajay,
Aklan ang kanilang Ati-Atihan Festival 2015 kahapon araw ng Linggo.
Ito’y dahil sa pagdagsa ng libo-libong katao na nanuod at
nakisaya sa street dancing activity kasabay ng pagparada ng mga naggagandahang
float na kung saan ibinida rito ang produkto ng bawat brgy. ng Ibajay.
Mistula namang naging malaking siyudad ang nasabing bayan
dahil sa pagdagsa ng mga tao at deboto ni Senior Santo Niño mula sa ibat-ibang
bayan sa probinsya para makisaya sa nasabing okasyon dahilan para magkaroon ng
mahabang trapiko sa National road.
Nabatid na ilang artista rin sa bansa ang nakisaya sa
Ati-Atihan ng Ibajay na kinabibilangan nina Arjo Atayde at Karyle Marquez upang
aliwin ang mga bisita sa kanilang isinagawang performance sa plaza.
Napag-alaman na isa ang bayan ng Ibajay sa mga nagdaraos
ng Ati-Atihan Festival sa probinsya sa tuwing buwan ng Enero para ipagdiwang
ang kapistahan ni Senior Santo Niño.
No comments:
Post a Comment