Posted December 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang chartered flights mula sa Japan ang lumapag sa
Kalibo International Airport (KIA) kaninang hapon sakay ang 198 Japanese packs.
Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant
Kristoffer Leo Velete, ito umano ang isa sa pinakamalaking airbus na lumapag sa
nasabing paliparan.
Nabatid na dumiritso ang mga ito sa isla ng Boracay kung
saan kinabibilangan ito ng ilang pamilya at mga Very Important Person (VIP)
mula sa bansang Japan.
Kaugnay nito nanguna naman ang mga taga Department of
Tourism (DOT) Boracay sa mainit na tumanggap sa mga nasabing bisita na sakay ng
Airbus.
Sa kabilang banda ang patuloy na paglapag ng mga mga
charted flights sa Kalibo International Airport ay dahil sa patuloy ding
pag-market ng DOT ng Boracay sa ibat-ibang bansa.
Samantala, sinabi pa ni Velete na ngayong Lunes ay may
inaasahan din silang 198 packs sakay ng Philippine Airlines (PAL) na lalapag sa
KIA mula sa Boston.
No comments:
Post a Comment