Posted December 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nagtataka karin ba kung bakit wala at napuputol
kung minsan ang usapan nyo sa telepono ng kaibigan mo sa mainland?
Huwag magtaka dahil ang Repair and Maintenance
Service na mismo ng PANTELCO o Panay Telephone Corporation ang nagkumpirmang
hindi pa istable ang kanilang serbisyo.
Back up Radio lamang umano kasi ang pansamantala
nilang ginagamit ngayon makaraang masira ng sumadsad na barge nitong nakaraang
Martes ang kanilang submarine optic cable.
Dahil dito, nakakaranas parin umano ng pag-i-echo
sa kabilang linya ang mga nag-uusap at kung minsan hindi ka talaga makakatawag.
Magkaganon paman, tiniyak din ng PANTELCO na
patuloy nilang ginagawan ng paraan ang problema upang maibalik sa normal ang
kanilang serbisyo.
Samantala, patuloy din umano ang kanilang
pakikipag-ugnayan sa Philippine Coastguard upang maaksyunan ng DBP Leasing
Corporation na siyang may-ari ng sumadsad na barge ang kanilang reklamo.
Magugunitang pormal na naghain ng reklamo ang
PANTELCO at AKELCO sa Philippine Coastguard laban sa nasabing korporasyon
matapos ang insidente.
No comments:
Post a Comment