Posted December
27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling nag-paalala ang Aklan Police Provincial Office
(APPO) sa mga retailers ng paputok para sa pagsalubong ng bagong taon.
Mismong si Senior Police Officer 4 Rene Armenio ng Firearms
Explosives Security and Guards Supervision Section (FESAGS) ng APPO ang nanguna
sa ginagawang pagmo-monitor sa mga nagbibinta at gumagamit ng paputok at pyrotechnics
devices upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.
Nabatid na 71 lamang na retailers ng paputok sa Aklan ang
nakakuha ng permit mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire
Protection Unit (BFP).
Mahigpit ding pinaalalahan ni Armenio na ang pag-testing
sa firecrackers at pyrotechnics ay mahigpit nilang ipinagbabawal kung saan
kailangan din umanong maglagay ng sign na “no smoking” sa mga lugar na may
tindahan ng paputok kasabay ng pagkakaroon ng fire safety equipments.
Samantala, kung sino man ang mahuling nagbibinta ng
paputok na walang anu mang permit ay maaaring maharap sa penalidad sa ilalim ng
Republic Act 7183 na kung saan ito ay batas na nagre-regulate sa mga
nagbibinta, gumagamit at gumagawa ng paputok.
No comments:
Post a Comment