Posted December
27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dumoble ang bilang ng mga pasahero sa Caticlan at Cagban
Jetty Port dahil sa kakatapos na pagdiriwang ng araw ng pasko.
Katunayan, isang mahabang pila ang muling masasaksihan sa
nasabing mga pantalan kung saan dumami ang mga turistang pumupunta sa isla ng
Boracay dahil sa mahabang bakasyon hanggang sa bagong taon.
Dahil dito mahigpit ang ipinapatupad na seguridad ng Jetty
Port Administration lalo na ang ginagawang pag-check sa mga bagahe ng mga
pasahero sa pangunguna ng Malay PNP.
Pinaigting din ng Philippine Coastguard Caticlan ang
kanilang pagbabantay sa mga bangkang bumibiyahe para masiguro ang kaligtasan ng
mga pasahero lalo na sa roro vessel.
Samantala, inaasahan na dadami pa ang mga pasahero na
magsisiuwian at magbabakasyon sa isla ng Boracay ngayong papalapit na bagong
taon.
No comments:
Post a Comment