Posted
December 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala umanong pagtaas sa presyo ng mga bilihing pang Noche
Buena sa Aklan kahit sumailalim ang probinsya sa state of calamity dahil kay
bagyong Ruby.
Ito ang sinabi ni DTI Provincial Director Diosdado Cadena
Jr., kung saan base sa kanilang ginawang monitoring ay halos nasunod naman ng
mga retailers ang kanilang inilabas na Suggested Retail Price (SRP).
Aniya, wala silang nakitang mga paglabag sa presyo ng mga
bilihin matapos magdiklara ng state of calamity si Governor Florencio
Miraflores sa lalawigan ng Aklan para magamit ng mga LGU’s ang kanilang calamity
fund sa nagdaang bagyo kahit wala itong gaanong epekto sa lugar.
Samantala, sakto lang umano ngayon ang mga pangunahing
bilihing pang Noche Buena katulad ng mga dilata at hamon.
Siniguro pa ni Cadena na maging normal ang presyo ng mga
bilihin kung saan may look-out umano sila para sa automatic price control
kaugnay sa basic price na sa ilalim ng Department of Trade and Industry.
Nabatid na kung sumailalim ang lalawigan sa state of
calamity ay may posibilad na magtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga retailers
ngunit walang naging problema ang DTI kahit na mayroong automatic price
control.
No comments:
Post a Comment