Posted December 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay Holy Rosary Parish Boracay Team Moderator
Fr. Arnold Crisostomo, masaya ito dahil mas marami ang mga nagsipagsimba kung
ikukumpara sa dalawang taon nitong karanasan sa pagmimisa sa bispera ng
Kapaskuhan.
Maliban dito, madalas umanong umuulan tuwing
nativity mass, kung kaya’t hindi gaano karami ang nakakapagsimba.
Bagama’t hindi umano nito matantiya ang bilang ng
mga dumalo sa misa, sinabi pa ni father Nonoy na puno maging ang plaza.
Masaya din umano ito dahil sa nakita niyang bakas
sa mukha ng mga nagsipagsimba ang kasiyahan.
Samantala, hanga din umano si father Nonoy sa dami
ng mga batang nagsipagsimba kagabi at kaninang umaga.
Inanyayahan naman nito ang lahat para sa misa ng
pasasalamat para sa mga biyayang natanggap na gaganapin sa araw ng Miyerkules,
alas 9:00 ng gabi.
Nabatid na hindi lamang mga Pilipino ang dumadalo
sa misa sa HRP Boracay tuwing pasko kungdi pati na rin ang mga turistang
banyaga.
No comments:
Post a Comment