Posted December 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Maaaring sa susunod na taon na lamang babalik ang
sinumang may nakabinbing transaksyon sa Boracay Redevelopment Task Force (BRTF).
Bakasyon-grande na kasi ang mga empleyado ng BRTF
simula ngayong hapon, matapos ang mga abalang araw ng trabaho sa isla ng
Boracay.
Ngayong araw, base sa nakasaad sa kanilang
panuntunan, kalahating araw lang na may pasok ang mga ito at babalik muli sa
ika-29 ng Disyembre.
Subalit, hindi pa dito natatapos ang kanilang
bakasyon, dahil muling magpapahinga ang mga ito at sa ika-5 na ng Enero sa
susunod na taon magiging regular ulit ang operasyon.
Nabatid na karaniwang binibigyan ng bakasyon ang
mga empleyado ng gobyerno mula Pasko hanggang Bagong Taon upang makasama nang
mas matagal ang kani-kanilang pamilya.
Samantala, magugunitang binuo ang BRTF sa bisa ng
Executive Order No.05 Series of 2013 na kinabibilangan ng iba’t-ibang ahensya
ng pamahalaan at LGU Malay para sa pagpapatupad ng mga karampatang batas sa
isla.
No comments:
Post a Comment