Posted December 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay Municipal Auxiliary Deputy Chief Rommel
Salsona, mas lalo pa umano nila itong hihigpitan ngayong dagsa na ang mga
turista sa isla dahil sa pasko at Bagong Taon.
Anya, isa sa mga ginagawa nila ngayon ang mahigpit
na pag-monitor sa mga sasakyang dumadaan sa kalsada at pagpapatupad ng batas
trapiko.
Sinabi din nito na kasama ang BTAC ay hindi sila
mag-aatubiling hulihin ang sinumang lalabag sa mga ipinapatupad na ordinansa sa
isla gayundin ang mga batas ng national government.
Samantala, payo naman nito sa mga motorista na
ibayuhing mag-ingat at sundin ang mga batas trapiko, gaya ng pagkakaroon ng
kaukulang permit at pagsusuot naman ng helmet sa mga mahilig sumakay sa motor.
No comments:
Post a Comment