YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 22, 2014

Ika limang Fun Run para sa kalikasan,lumalarga ngayon sa Boracay

Posted December 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Lumalarga ngayon sa Boracay ang ika-limang Fun Run para sa kalikasan.

Mahigit-kumulang 200 ang lumahok sa nasabing aktibidad na kinabibilangan ng mga taga LGU Malay, Boracay PNP, Maritime Police, Municipal Auxiliary Police –Boracay, stakeholders, volunteers at ilan pang indibidwal.

Sinimulan ito sa isang registration sa Balabag Plaza, kung saan may mga dalang plastic bottle ang mga kalahok.

Nabatid na tutunawin ang mga plastic bottle at gagawing plastic chair o upuan.

Samantala, pagkatapos ng fun run mula sa Barangay Balabag, susundan naman ng ito ng isang beach cleanup at mangrove tree planting sa Sitio Lugutan.

Layunin din ng nasabing aktibidad ang awareness o kamalayan sa pangangalaga sa isla ng Boracay na ginanap na rin mismo sa mainland Malay.

No comments:

Post a Comment