Posted December 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Time out muna sa pagtalakay ng mga maiinit na usapin sa
isla ng Boracay at bayan ng Malay ang Sangguniang Bayan (SB) Malay ngayong
araw.
Ayon kay SB Secretary Concordia Alcantara, nitong
nakalipas na Martes na umano ang kanilang huling session para sa taong ito para
bigyang daan ang pagdiriwang ng araw ng kapaskuhan at bagong taon.
Aniya, ngayong Miyerkules umano ay wala nang pasok ang
Local Government Unit ng Malay at muli silang magbabalik sa Enero 5 ng 2015.
Inaasahan namang mainit-init na bagong taon ang
sasalubong sa mga local officials ng Malay dahil sa pagdiriwang ng Ati-Atihan
Festival sa Boracay kasama na ang summer season at ang gaganaping Asia Pacific
Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa isla.
Kaugnay nito marami pang mga usapin at concern ang
nakabinbin sa SB Malay bago magtapos ang huling session para ngayong 2014
nitong nakaraang araw ng Martes.
Napag-alaman na ilan dito ay ang pondo ng Malay para sa
taong 2015, construction ng Boracay Hospital kasama na ang trust fund ng MDRRM
na siyang gagamitin sa pagpapaayos ng sea ambulance at drainage system sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment