Posted December 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Subalit ilan sa mga sinalanta ng bagyo ang hindi pa
umano tuluyang nakakabangon at hanggang sa ngayon ay inaantay pa rin ang tulong
ng gobyerno.
Kaya naman, sa isang panayam sa ilan sa mga
naapektuhan ng nasabing bagyo, wish umano ng mga ito nitong nkaraang pasko na dumating na
ang tulong ng gobyerno.
Nabatid na may ilan pa rin kasing mga probinsya sa
bansa ang hindi pa naaabutan ng tulong ng pamahalaang nasyonal kabilang na ang
Aklan dahil sa ilang mga problemang kinakaharap ng pamahalaan.
Sa kabila nito, magugunita na kabilang naman sa mga
multi-year plan ng administrasyong Aquino ang iba’t ibang proyekto tulad ng
paglilipatan ng mga nawalan ng tahanan, imprastraktura, kabuhayan at serbisyong
panlipunan sa lugar na tinamaan ng nasabing kalamidad.
Samantala, patuloy pa rin na umaasa ang ilang mga
residente sa Aklan na mabigyan ng mga short-term at medium-term rehabilitation
project sa kanilang mga lugar.
No comments:
Post a Comment