Posted December 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay BTAC o Boracay Tourist Assistance Center
Officer In Charge PSInsp.Fidel Gentallan, kahapon pa nila sinelyuhan ang
kanilang mga baril upang matiyak na hindi magpapaputok ng kanilang service fire
arm ang mga pulis ng Boracay PNP.
Bahagi ito ng pagtalima sa kampanya ng pamahalaan
upang maiwasan ang indiscriminate firing ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.
Pinangunahan naman ni Gentallan ang muzzle taping sa
mismong compound ng BTAC pagkatapos ng kanilang flag raising.
Samantala, nabatid na hindi lahat ng Boracay PNP
personnel kahapon ang nakadalo sa muzzle taping dahil dumalo ang mga ito sa Fun
Run para sa Kalikasan ng LGU Malay.
Napag-alamang kahapon din ang
muzzle taping ng mga kapulisan sa Aklan Provincial Police Office na
pinangunahan ni APPO Chief PSSupt. Iver Apellido.
No comments:
Post a Comment