Posted December
27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ilan lamang ito sa mga Christmas wish ngayong araw ng
pasko ng mga Ati Community sa Ati Village ng isla ng Boracay.
Ayon naman kay Boracay Ati Village Chieftain Delsa Justo,
nais umano nilang maging maayos ang mga tuntunin sa isla gayon din sa kanilang
komunidad.
Samantala, hiling pa nito na sana ay maging maaayos na
kung anu man ang naging problema sa Boracay nang sa ganon ay hindi matakot ang
mga turistang magbakasyon sa isla at upang wala umano silang maging dahilan
para hindi bumalik dito.
Nabatid na madami na rin ang naging pagsubok na dumaan sa
buhay ng mga Ati Community sa Boracay dahil sa kanilang lupang nasasakupan na
nauwi sa gulo.
Sa kabilang banda patuloy na nakakatanggap ang mga Ati sa
nasabing Village ng mga tulong mula ibat-ibang National agencies at pribadong
sektor sa isla ng Boracay lalo na ngayong pasko.
No comments:
Post a Comment