YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 23, 2014

Bading, binugbog ng 3 lasing na kalalakihan sa Boracay

Posted December 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sugat sa bibig at pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang bading matapos na bugbugin umano ng mga lasing kanina ng madaling araw sa Boracay.

Sumbong ng bading na kinilalang si “Regine” sa BTAC, nakatayo ito sa harapan ng isang resort sa beach front ng Balabag Boracay nang nilapitan umano ng tatlong hindi nakilalang lalaki at binugbog.

Ayon pa sa biktima, wala syang nakikitang dahilan upang mabugbog at maaari napagdisktahan lamang umano ito ng mga nasabing lasing.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga pulis ang nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment