Posted December 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Katunayan, nito lamang bispera ng Kapaskuhan,
lalong sumikip ang kalsada dahil sa mga nasabing drayber na walang pakundangang
nagpi-pick-up at nagbababa ng pasahero sa mga hindi tamang lugar.
Base pa sa impormasyon, wala ring pakundangan kung
sumingil ang ilan sa mga ito lalo na kung mga turista ang kanilang pasahero.
Kapansin-pansin din na sadyang nagiging kaskasero
ang ilan sa mga ito dahilan upang mabahala ang mga naglalakad sa daan.
Kaugnay nito, muling nagpaalala sa mga motorista ang
mga otoridad na mag-ingat at sundin ang mga batas-trapiko.
Nabatid naman mula sa record ng Boracay PNP na
marami nang askidente sa motorsiklo ang naitatala sa isla lalo pa kapag nasa
ilalim ng impluwensya ng alak ang nagmamaneho.
No comments:
Post a Comment