YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 23, 2014

Ilang establisyemento sa Boracay, abala na dahil sa pagdagsa ng mga turista

Posted December 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Nag-do-double time na kami para mas makarami ng costumer.”

Ito ang sambit ni “Joshua”, tindero sa isang establisyemento sa Boracay dahil sa parami ng parami na di umano ang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista lalo na ngayong holiday season.

Anya, inaasahan na nila na tuwing pasko ay dumarami ang mga turista gayundin ng kanilang mga kostumer kaya abala na rin umano ang mga ito sa paghahanda upang mas na mapaganda ang kanilang serbisyo.

Samantala, hangad naman umano nila na mabigyan ng tamang serbisyo ang kanilang mga kostumer hindi lamang para sa kanilang pansariling kapakanan kundi pati na rin sa turismo ng Boracay.

Nabatid naman na sa araw ng pasko ay kaliwa’t-kanan ang mga acoustic nights sa isla ng Boracay, kung saan layon nito na makapagbigay ng entertainment sa mga lokal at dayuhang turista.

No comments:

Post a Comment