YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 25, 2014

Mga mamimili ng pang Noche Buena, dagsa na sa mga pamilihan sa Boracay

Posted December 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dagsa na sa mga pamilihan sa Boracay ang mga mamimili ng pang Noche Buena.

Sa D’Mall Wet Market lamang halimbawa, kapansin-pansin ang mga tindahan na abala sa pag-asikaso ng kanilang customer.

May mga bumibili ng karne at prutas na ihahanda umano nila para sa Noche Buena mamayang gabi.

Isa si Aling Dianne sa maagang bumili kanina ng panghanda para sa kanyang mga bisita galing Maynila.

Sinabi nito na mas maganda kung maaga siyang bibili upang masigurong hindi maubusan.

Samantala, tiniyak naman ng mga tindahan doon na hindi sila nagtaas ng presyo.

Kaugnay nito, kampante at halos ‘all smile’ang mga mamimili na hindi sila kakapusin sa budget.

Magugunitang sinabi ni DTI Provincial Director Diosdado Cadena Jr. na  nasunod naman ng mga retailers ang kanilang inilabas na Suggested Retail Price (SRP).

No comments:

Post a Comment