Posted December 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nagdulot ng mahabang trapiko ang aksidente sa
Highway ng Nabas, Aklan kaninang tanghali.
Dulot ito ng natumbang poste ng AKELCO o Aklan
Electric Cooperative na sinasabing nabangga ng naaksidenteng sasakyan.
Base sa mga larawang kuha ng mga netizens na
nakasaksi sa insidente, humarang sa gitna ng highway ang poste kung kaya’t
hindi makadaan ang mga sasakyan.
Naantala tuloy ang biyahe ng mga pampasaherong bus
at L300 van papuntang Kalibo at Iloilo.
Maliban dito, halos mahigit isang oras ding
naghintay ang mga pasaherong magsisiuwian sa kani-kanilang lugar para sa
bispera ng Kapaskuhan.
Kaagad namang pinagtulungan ng kumunidad,
volunteers, Nabas PNP at iba pa na matanggal ang poste sa kalsada, mag-aala
1:00 na ng hapon.
Samantala, patuoly naman ang imbistigasyon ng Nabas
PNP sa nasabing askidente.
No comments:
Post a Comment