Posted December 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay Assistant General Manager for AKELCO
Engineering Engr. Joel Martinez, may pumutok umanong fuse dahilan upang bumukas
ang kanilang buong feeder 10.
Subali’t kaagad namang bumalik sa normal ang suplay
ng kuryente matapos itong ayusin ng kanilang engineering department.
Samantala, magugunitang naapektuhan din ang
operasyon ng AKELCO nang aksidenteng masagi ng sumadsad na barge ng DBP Leasing
Corporation ang submarine optic cable ng PANTELCO o Panay Telephone Company
nitong Martes ng gabi.
Kaugnay nito, pormal na ring nagreklamo ang mga nasabing
utility provider sa isla sa pamunuan ng barge, sa Municipal Auxiliary Police
Boracay at Philippine Coastguard.
No comments:
Post a Comment