Posted December 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tahimik at masayang sinalubong ng mga Aklanon
ang kapaskuhan sa kabila ng malakas na buhos ng ulan sa ilang lugar sa
probinsya.
Base sa naging monitoring ng Aklan Provincial
Police Office (APPO) wala silang naitalang malaking insidente na may kaugnayan
sa pagdiriwang ng pasko sa buong lalawigan.
Nabatid na maraming mga balikbayan ang
nagsiuwian bago ang pasko lalo na nitong bisperas kung saan bumuhos ang
libo-libong tao sa mga pantalan ng barko kasama na ang mga paliparan sa Aklan.
Kaugnay nito mas pinaigting na tinutukan ng
mga pulis ang seguridad sa mga mall, airport, terminal ng bus at mga pasyalan
sa Aklan lalo na sa bayan ng Kalibo at isla ng Boracay hanggang sa pagsapit ng
bagong taon.
All-out naman ang pwersa na inilatag ng APPO
sa mga nasabing lugar upang maiwasan ang anumang insidente lalo na ang mga
taong mapagsamantala na nanloloko sa pamamagitan ng kanilang ginagawang modus
operandi.
Samantala, tutukan naman ngayon ng APPO ang
paghahanda para sa seguridad sa nalalapit na pagdiriwang ng bagong taon na kung
saan inaasahan ang kaliwat kanang selebrasyon at putukan.
No comments:
Post a Comment