Posted December 22, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Base sa inisyal na imbistigasyon ng Nabas PNP,
natagpuang nakahandusay sa canal sa tabi ng national highway ng Barangay Rizal,
Nabas kahapon ng umaga ang biktimang si Willy Acosta, 40 anyos ng Barangay
Dumlog, Malay, Aklan.
Wala nang buhay nang matagpuan ang biktima na may
dalawang tama ng hindi natukoy na kalibre ng baril sa kanyang ulo at dibdib.
Nakita pa umano bandang alas 8:45 ng umaga kahapon huling
nakita ang biktima na nagpabarya ng pera sa isang tindahan sa Jetty Port sa
Barangay Caticlan,Malay, Aklan.
Samantala, dinala naman sa isang punerarya ang
bangkay nito upang isailalim sa Post Mortem Examination, habang blangko pa
ngayon ang mga otoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek o mga suspek.
No comments:
Post a Comment