Posted
December 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mistulang nainis ang mga pulis ng Boracay PNP dahil sa
pang-iinsulto ng isang European Tourist sa bansang Pilipinas.
Ito ay nag-ugat dahil sa reklamo nito na nahihirapan
umano siyang maligo sa dagat ng station 3 dahil sa umano’y mga bangkang nakadaong
sa lugar.
Nabatid na makailang beses ng lumapit sa BTAC ang
nasabing turista kung saan paulit-ulit ding sinasabi sa kanya na mayroong
ordinansa ang LGU Malay tungkol sa mga nasabing bangka
Dahil dito naging mainit sa pakikipagsagutan sa mga pulis
ang dayuhan kung saan nauwi pa ito sa pang-iinsulto kaugnay sa mga batas sa
Pilipinas.
Pinayuhan naman siya ng mga pulis na masyadong malapad
ang dagat ng Boracay na puwedi siyang maligo nang walang sagabal.
Ngunit idinidiin padin nito na ito ay isang maling paraan
dahil sa nagiging sagabal umano ito kanyang pagligo dahil sa malapit din dito
ang kanyang inuupahang hotel.
Kaugnay nito wala namang nagawa ang dayuhang turista
matapos na marinig ang mga payo na ibinigay sa kanya ng mga pulis.
Napag-alaman na ang nasabing mga bankang nakadaong sa
station 3 ay ang mga ginagamit sa island hopping activity na kung saan ito ang itinalagang
lugar ng LGU Malay para sa mga water sports activity sa Boracay.
No comments:
Post a Comment