Posted December 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinaigting ngayon ng pamunuan ng Department of
Trade and Industry (DTI) Aklan ang kanilang pagmo-monitor sa presyo ng mga
bilihin sa probinsya.
Ayon kay DTI-Aklan Diosdado Cadena Jr., isa sa
kanilang mga hakbang ang pagsasagawa ng Firecracker testing o pagsusuri sa mga
paputok, gayundin ang pagsusuri sa mga presyo nito.
Anya, sinusuri ng ahensya kung maayos ang
pagkakagawa sa mga paputok bago sindihan.
Ayon kay Cadena, dapat tama din ang timbang ng
pulbura at sasapat sa walong segundo ang itatagal ng metsa bago sumabog.
Bibigyan din umano nila ng product standard o PS
License ang mga manufacturer kapag nasiguro itong pumasa sa kanilang pagsusuri.
Babala ng ahensya, kukumpiskahin ang mga produktong
ibebenta na walang PS Mark.
No comments:
Post a Comment