Posted September 26, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakatakdang makipag-usap sa Task Force Boracay para
sa APEC hosting si TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid.
Ito ang kinumpirma ni Boracay Island Administrator
Glenn SacapaƱo kasabay ng pagsusumite nila ng petisyon ng LGU Malay para sa
TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Ayon kay SacapaƱo, dito rin pag-uusapan ang mga
proyektong kailangang tapusin bago sumapit ang 2015 APEC Hosting ng Boracay
katulad ng drainage at mga street lights.
Samantala, nabatid na darating sa susunod na araw
ng Sabado, ikaapat ng Oktubre si Lapid matapos imbitahan ng BFI o Boracay
Foundation Incorporated.
Kasama rin sa darating para sa nasabing pagpupulong
si mismong Aklan Governor Florencio Joeben Miraflores at Malay Mayor John Yap.
Magugunita namang ikinadismaya ng LGU Malay at BFI
ang kanilang natuklasan sa drainage ng TIEZA matapos nila itong pagtulungang
i-de-clog kasama ang ilang volunteers nitong mga nakaraang linggo.
No comments:
Post a Comment