YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 25, 2014

Lalaki sinaktan umano ng may-ari ng boardinghouse, matapos hindi nakapagbayad

Posted September 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isang lalaki ang humingi ng tulong sa Boracay PNP, matapos umano siyang saktan ng may-ari ng boardinghouse ng kanyang kapatid.

Base sa embistigasyon ng Boracay PNP, pansamantala umanong nanunuluyan ang biktima sa inuupahang boardinghouse ng kanyang kapatid ng hindi nagpapa-alam sa may-ari.

Dahil sa nalaman ng suspek ay dito siya pinagbayad ng P500 bilang penalidad sa kanyang hindi pagpaalam na pansamantalang manuluyan sa nasabing boardinghouse.

Sinabi pa umano sa kanya ng landlord na hindi siya puweding umalis sa lugar hanggat hindi niya ito mababayaran.

Ayon pa sa biktima na kinilalang si Elmer Castro, 21-anyos ng Kalibo, Aklan kinukuha pa umano sa kanya ng suspek ang kanyang Torque na cellphone at ng ibigay na niya ito ay tinangka pa umano siyang suntukin.

Sa pag-iimbistiga naman ng kapulisan agad ding isinuli ng suspek ang kanyang kinuhang cellphone at doon ay inayos na din nila ang namagitang problema sa kanila ng biktima.

No comments:

Post a Comment