Posted September 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Pinagpiyestahan ng mga netizens ang pambubogbog umano ni
PAIDSOTG Chief PInspector Wilfredo Hofileña sa isang sibilyan sa Boracay nitong
Sabado.
Sa kabila ito ng paglutang ng pangalan ni Hofileña sa
blotter report ng Boracay PNP hindi bilang suspek kungdi testigo sa nangyaring
komosyon.
Ayon sa report ng Boracay PNP, si Hofileña pa nga ang
umaresto sa isa sa mga suspek.
Nabatid na bumibili ng sigarilyo ang biktimang si Francis
Hofileña, 49 anyos ng Lapuz, Iloilo at kasalukuyang residente ng Barangay
Manoc-manoc, nang kumprontahin umano ito at tinanong ng mga suspek na nakasakay
sa tatlong motorsiklo kung miyembro siya ng PDEA o Philippine Drug Enforcement
Agency.
Bumunot umano ng baril ang isa mga suspek na si Adenito
Gelito, 59 anyos residente ng nasabing barangay, at hinampas sa ulo ng biktima.
Kaagad umanong inaresto ni Hofileña si Gelito, habang pumasok
sa isang bar doon ang iba pa nitong mga kasama.
Si Hofileña ang hepe ng PAIDSOTG o Provincial
Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group na inereklamo din dahil sa
pambubogbog umano kay Reijie Rose na nahuli naman sa isang buy bust operation sa
bayan ng Kalibo nitong nakaraang July 13.
No comments:
Post a Comment