Posted September 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sinisimulan na ng BIWC o Boracay Island Water
Company ang kanilang Sewer Line Rehabilitation Project.
Ayon sa BIWC tinatrabaho na ang paglipat sa mga
sewer line sa Sitio Sinagpa, Barangay Balabag partikular ang sa BTR o Boracay
Terraces Resort papuntang Las Brisas Resort.
Nabatid na ikinadismaya at tinawag na ‘eye sore’ ng
mga residente at turista ang mga nakatiwangwang na sewer line doon lalo pa’t
may mga bakasyunista ring kinukunan pa talaga ang mga ito ng litrato.
Samantala, kinumpirma din ng BIWC na kasalukuyang
nasa area palang ng Friday’s Boracay nakasentro ang kanilang rehabilitation
project.
No comments:
Post a Comment