Posted September 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Patuloy parin kasing nananalasa ang mga kawatan ngayon
katulad ng akyat-bahay at salisi.
Kaninang madaling araw naman, isang Korean national ang
nabiktima ng snatcher sa station 2 Barangay Balabag.
Ayon sa police report ng Boracay PNP, naglalakad pabalik
sa tinutuluyang kwarto ang turistang si Park Min Young nang may lumapit sa
kanyang tatlong lalaki.
Bigla umanong
hinablot ng mga ito ang kanyang bag na naglalaman ng diyes mil pesos,
kalahating milyong Korean money, credit card, at susi ng tinutuluyang resort.
Mabilis namang nakatakas ang mga suspek at hindi na
natunton pa ng mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment