Posted September 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Humingi ng tulong sa Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) ang babaeng Korean national matapos umanong masalisihan sa
Boracay.
Sumbong ng koreanang si Si Myung Lee, 24 anyos ng
Kyung-gi South Korea, naglalakad ito kanina ng madaling araw kasama ang kanyang
kaibigan na si Hung Jung Park sa Balabag Boracay nang alokin ng monopod ng
isang lalaki.
Ilang sandali pa ay may dalawang lalaki din umano
ang lumapit sa kanila at nakipag-usap.
Subalit sa huli, tinanggihan din umano ng mga
Korean national sa ang alok ng mga ito.
Samantala, nang makarating sa Boat Station 1 at
kunin ang kanyang cellphone sa bulsa ay saka natuklasan ni Lee na nawawala na
ito.
Paniwala ng biktima, nasalisihan sila ng mga hindi
nakilalang lalaki.
No comments:
Post a Comment