Posted September 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sugat sa noo habang bali naman ang kanang braso ng
dalawang kalalakihan sa Boracay matapos na hampasin ng kahoy.
Ito’y dahil sa pagpapatugtog umano ng malakas
habang natutulog na ang suspek sa bahay nito sa Brgy. Yapak Boracay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, alas dyes ng
gabi habang nag-iinuman ang mga biktima na sina Darwin Vista, 30 anyos at Lude
John Amigan, 24 anyos nang pagsabihan ng suspek na hinaan ang kanilang radyo.
Subalit, ilang sandali pa nang iihi umano sana ang dalawang
biktima malapit sa kanilang sasakyan ay nagulat ang mga ito nang biglang may
humampas sa kanila ng kahoy.
Dagdag pa ng mga nagrereklamo, tinungo din umano ng
suspek na nakilala sa blotter report na si Bonimar Taunan, 38 anyos ang
kanilang mesa at pinagsisipa ang mga upuan doon gayundin ang pagsasalita ng mga
hindi maganda.
Samantala, pansamantala namang ikinustodiya sa
Boracay PNP ang suspek.
No comments:
Post a Comment