Posted September 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito mismo ang kinumpirma ni APPO Chief Senior
Superintendent Iver Apellido sa kanyang command conference kamakailan lang.
Kaya naman naging bahagi ng kanyang mandato sa
lahat ng mga hepe sa Aklan na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad.
Ipinag-utos din nito ang dagdag na police
visibility sa mga lugar kung saan madalas nangyayari ang krimen o crime prone
areas.
Samantala base naman sa mga police report ng
Boracay PNP, madalas na nabibiktima ng nakawan ang mga turista sa Boracay na
ikinadismaya din ng mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment