Posted September 27, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang nilinaw kanina ni BRTF o Boracay
Redevelopment Task Force Secretary Mabel Bacani kasabay ng pagpapatawag nila sa
mga Muslim vendors sa isla.
Kaugnay ito sa paulit-ulit nilang pagiging pasaway
at paglabag umano sa batas tungkol sa bawal na pag-aalok o pagtitinda sa
dalampasigan.
Sa ginanap na pagpupulong kanina, iginiit naman ng
mga nagrereklamong vendors na hindi nila alam ang tungkol sa 25+5 meter
easement, bagay na ikinadismaya ng BRTF.
Samantala, ipinaliwanag naman ng BRTF sa mga
kapatid na Muslim na dapat magtulungan ang lahat lalo pa’t nakakaranas ngayon
ang Boracay ng malaking pagbagsak ng turismo dulot ng travel ban ng China sa
Pilipinas.
Nabatid na umalma rin ang mga nasabing vendors sa
paulit-ulit na paghuli sa kanila ng MAP o Municipal Auxiliary Police kapag
nagtitinda sila sa baybayin ng Boracay.
No comments:
Post a Comment