Posted September 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dinagsa ng nasa mahigit 100 na kalahok mula sa mga
pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya ng Aklan ang 2nd
Division Scilympics Mega Quiz Bee ng DepEd.
Kaugnay nito, isa sa mga nakapag-uwi ng karangalan
sa kanilang paaralan ang Boracay National High School (BNHS) na nanalo sa
ikatlong pwesto sa Mega Quiz Team category.
Ito’y sina Rizzel Lantaca ng Gade 7, Peter Paul
Lusegro ng Grade 8, Lira Jane Familara ng Grade 9 at John Llyod Ardiente ng 4th
year.
Nakuha naman ng Aklan Valley High School ang unang
pwesto habang nasa ikalawang pwesto ang Batan Academy.
Ayon kay BNHS Science Coordinator at Teacher II
Mary Jona Sioson, ang mga kasali sa nasabing patimpalak at sinala base sa
Learning Competencies from 1st to 2nd grading period ng
Department of Education (DepEd).
Samantala, nagpasalamat naman ito sa magulang mga
estudyante at kapwa guro na sumuporta sa kanila upang makasali sa nasabing
kompetisyon.
Ang Division Scilympics Mega Quiz Bee ng DepEd
Aklan ay ginanap nitong September 20, 2014 sa Kalibo Pilot Elementary School,
kung saan ang mga nanalo ay ang syang magiging pambato ng probinsya ng Aklan sa
gaganaping Regional Scilympics Mega Quiz Bee ng DepEd.
No comments:
Post a Comment