Posted September 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inalmahan ng ilang guro sa probinsya ang paglipat ng mga
school activities ng Department of Education (DepEd) Aklan sa weekend.
Nabatid na hinihiling ng mga guro na ilipat sa weekdays ang
mga aktibidad ng paaralan katulad ng sports events, scouting at iba pang
extracurricular activities.
Ngunit hindi dito pabor si Aklan Schools Division
Superintendent Jesse M. Gomez, dahil kung ilalagay umano ang nasabing mga
aktibidad sa weekend ay makakabawas ito sa tinatawag na “contact days” o
face-to face-instructions.
Nabatid na nagpatawag naman ng committee hearing si
Sangguniang Panlalawigan (SP) member Plaridel Morania at chairman ng committee
on education, culture and science and technology tungkol dito matapos malaman
ang hinaing ng mga guro.
Ayon pa kay Gomez kung isasagawa ang extracurricular
activities sa weekdays ay kinakilangan pa nilang magsagawa ng make-up classes
sa weekends.
Aniya, dapat hindi bababa sa 180 non-negotiable contact
days bawat division sa loob ng isang school year para mapanatili at mapabuti
ang kalidad ng edukasyon.
Sa ngayon tinitimbang pa ito ng Division office ng Aklan
at ng Sangguniang Panlalawigan para sa ikakabuti ng mga guro at ng mga
mag-aaral.
No comments:
Post a Comment