YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 23, 2014

Drayber na humingi ng pera kapalit ng passport at visa ng tatlong Chinese National, timbog sa isang entrapment operation

Posted September 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Timbog sa entrapment operation ng mga pulis Boracay ang isang drayber matapos umanong humingi ng pera sa tatlong turista sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, ipina-blotter ng isa sa tatlong turista na magbibigay ito ng reward sa sinumang makapagbabalik ng kanilang nawawalang passport at visa.

Subali’t nagulat na lamang ang mga ito nang tumawag sa kanilang tinutuluyang resort ang habalhabal drayber at humingi ng 10 mil pesos.

Kaya naman nagpasaklolo mismo ang pamunuan ng resort sa pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing drayber.

Kasong pagnanakaw ang inihahanda para sa suspek.

Sinasabing nagpapa-presyo pa ang drayber sa kanyang demand subali’t nauwi sa wala ang kanyang hangad at maitim na balak.

No comments:

Post a Comment