Posted September 27, 2017
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakatakdang magkaroon ng Industry-Wide Assessment sa
Boracay ang Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan.
Ito ang ipinaabot na mensahe ni DOLE Aklan
Provincial Head Vidiolo Salvacion, kung saan gaganapin umano ito sa September
30, 2014 sa isang hotel sa isla.
Anya, ang pagsasagawa ng assessment ay mag-iimbita
sa iba’t-ibang establisyemento sa Boracay na may sampung empleyado pataas.
Kasama din umano sa iimbetahan dito ang mga may-ari
ng establisyemento.
Samantala, ang Industry-Wide Assessment ng DOLE ay naglalayong
ipaalam sa industriya ang
kanilang mga responsibilidad sa mga manggagawa, pati na rin ang
pagpapaalala sa buo
at boluntaryong pagsunod
sa lahat ng batas
pang-mangagawa, kasama na ang
kanilang kaligtasan at kalusugan at iba pang
usapin.
Kasabay
rito, pag-uusapan din ang isyung teknikal sa mga kompanya upang matiyak
ang kanilang maayos at
kompletong pagtalima sa
labor laws.
No comments:
Post a Comment