Posted September
24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Base sa nilalaman ng Order of Business
ng SB Malay nakasaad dito sa Incoming and Referral ang Letter of Intent ni Mr.
Arumpac Muamar Hadji Mad na magtayo ng nasabing shooting range sa isla.
Bagamat hindi natuloy ang SB Session ng
Malay kahapon dahil sa walang quorum muli naman itong tatalakayin sa susunod na
Session sa Martes.
Nabatid na ilang kumpanya na rin ang
nagpaabot sa Sangguniang Bayan ng Malay na gustong magsagawa ng ganitong
operasyon ngunit hindi pa ito naaaprobahan ng local body.
Samantala, hati naman ang reaksyon ng
mga SB Officials sa ganitong operasyon kung saan ang iba ay pumapabor kung
ligtas ang lugar na pagtatayuan nito at ang iba naman ay tumatutol dahil sa maaaring
ikatakot ng ilang kalapit na establisyemento sa lugar.
No comments:
Post a Comment