YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 23, 2014

Itinuturong miyembro ng AWOL gun for hire, nasa ospital parin matapos tamaan ng bala sa shoot out ng CIDG

Posted September 23, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nasa isang pribadong ospital parin ngayon at nagpapagaling ang isa sa mga itinuturong miyembro ng AWOL gun for hire.

Nakilala ang biktimang tinamaan ng bala sa puwetan nitong Sabado na si Jomari Saligumba, 24, ng Barangay Tina, Makato, Aklan.

Ayon sa report, tinamaan ng bala ang biktima nang mangyari ang pag-aresto sa mga sinasabing kasama nito na kinilala naman ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group-Aklan na sina Alvin Bernesto, 34, ng Capoyuan, Barbaza, Antique at Romnick Piano alias Inday ng Barangay Agbalogo, Makato, Aklan.

Nagkataong nag-iinuman ang nasabing grupo malapit sa Provincial Capitol nang lumapit at nagpakilala ang mga operatiba nang isang Ricky Jomao-as, 42 anyos ng Regador, Ibajay, ang bumunot at nagpaputok umano ng baril.

Kaagad namang gumanti ang mga operatiba at tinamaan sa dibdib si Jomao-as.

Dead on arrival na ito nang dalhin sa ospital.

Samantala, nakatakas at patuloy na pinaghahanap ng mga otoriad ang iba pang kasama ng mga nadakip.

Todo tanggi naman si Alvin Bernesto na miyembro siya ng grupo at iginiit iba ang kanyang pangalan.

No comments:

Post a Comment