Posted September 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo sa himpilan ng Boracay PNP Station ang
isang driver ng motorsiklo matapos umanong pagbantaang barilin ng isang MAP
member sa Boracay.
Sumbong ng motoristang si Jimmy Pelayo, 30 anyos ng
Libacao, Aklan, alas nueve ng umaga habang nagmamaneho ito sa Manoc-Manoc
Boracay nang malamang sinusundan sya ng isang Municipal Auxiliary Police (MAP)
member.
Anya, habang nakasunod ang nasabing myembro ng MAP
sa kanya ay nagsisigaw ito at nagbabantang babarilin sya kapag hindi huminto.
Dahil sa takot ay pinahahuhurot nalang umano nito
ang kanyang dalang motorsiklo at tinakasan ang nasabing MAP member.
Dagdag pa ng biktima na bago umano maganap ang
insidente ay naayos na nya ang inisyu sa kanyang violation tungkol sa hindi
pagsusuot ng helmet.
Ine-refer naman ngayon ang nasabing kaso sa Brgy.
Justice System ng lugar.
No comments:
Post a Comment